
"kamukha mo si paraluman... nung tayo ay bata pa..." -Huling El Bimbo by Eraserheads
Napukaw ang aking atensiyon ng isang patalastas mula sa Mcdo... Ito ay ang pinkabago nilang ads na kinatatampukan ng awitin mula sa Eraserheads.
Dito, Isinasalarawan ang di sinasadyang pagtatagpo ng dalawang bata sa loob ng Mcdo kasasama ang kanilang mga ina na matagal ng magkakilala. Naging masigla ang pagtanggap ng batang babae sa bagong kakilala at tinuruan pa nya ito ng bagong paraan ng pagkain ng Fries na ikinatuwa naman ng mahiyaing batang lalaki. Kinailangan lang ng ilang sadali at nahulog na ang lob nila sa isa't isa.
Pinangarap ng batang lalaki ang batang babae hanggang sa sila ay mag silaki. Nakakalungkot dahil bandang huli, di sila ang nagkatuluyan... sa di naipaliwanag na dahilan, iba ang napangasawa ng babae at sa muli nilang pagkikita sa Mcdo kung saan sila unang nagkakilala, nakaharap ni lalaki ang pamilya ng babae.
Masaya silang nagkasalo salo sa iisang lamesa hanggang sa mapuna ni babae na may mga bagay na sila lamang ang nakakaalam ng kahulugan ang kailanman ay di na magbabago at malilimutan... Sapat na ang matamis na ngiti upang ipaalam sa isa't isa ang mga damdamin at panghihinayang. Di man naging sila, salamat na rin at meron silang matamis na nakaraan na pwedeng balik balikan...
Sa di maiwasang pagkakataon, ako ay kinilig ako. Sabayan pa ito ng kantang "Huling El Bimbo" ng Eraserheads na kamakailan lang e napapabalitang itutuloy ang Eraserhead's the Reunion Concerts na naudlot dahil sa pag pag sama ng katawan ng kanilang bokalistang si Ely Buendia.
Sino nga ba ang di nakaka alam ng Huling El Bimbo at sino ng ba ang makakalimot sa Eraserheads?
Mula sa wala, sumikat ang banda Eraserheads nung panahong nagkukumahog ang industriya ng musikang pilipino (Mid 90's at panahon ko ito). Nasimula sa pilyong kantang "Pare Ko" at "Ligaya", maalab ang pagtangap ng mga pinoy sa banda at iyon na nga ang naging simula ng di maawat nilang pagsikat. Bawat kanta ng Eraserheads ay may malalim na kahulugan... malimit nga ay ikinukumpara sila sa bandang "Beatles" dahil tulad nila, lahat ng awitin nito ay tinatangkilin din ng bawat tao kahit na pinaka simpleng kanta bumebenta. Sa lahat ng kanilang awitin, isa na nga siguro dito ang "Huling El Bimbo" sa pinaka sikat. Umpisang linya pa lang ng kanta ay para ka nang ibinabalik sa lumang panahon kung saan simple ang buhay, puro laro, habulan... taguan sa ilalim ng puno, walang problema at walang komplekasyon. Ngunit ang kantang ito ay may malungkot na wakas... mula sa simpleng pamumuhay, isinalarawan dito ang mabilis ng pagbabago ng panahon. Unti unti, nilamon ng makabagong sistema ang babaeng bida sa awitin na ito hanggang naging misrable ang lahat sa kanya na sya na mang nagtulak sa kanya upang magpakamatay.
Napakahusay pumili ng background music ang mcdo sa kanilang mga commercial. Ang Huling El Bimbo ng Eraserhead ay napakagandang awitin para sa mga taong nais mag balik tanaw sa kanilang pagkabata.
Sana sa Reunion Concert ng Eraserhead mag kapera ako para maka sama... Ang pagkakataong ito ay bihira lang mangyari pero mas maganda kung magtuloy na ang pag sasama ng Eraserhead... mas marami ang matutuwa.
"lalala... lala.... lala..la..lalala..."
